Tirador ng convenience store, bulagta sa mga parak sa Bulacan

Tirador ng convenience store, bulagta sa mga parak sa Bulacan

October 9, 2022 @ 3:19 PM 2 months ago


Bulacan – Patay ang isang hindi nakilalang lalaking nanlaban sa mga awtoridad habang nakatakas ang kanyang kasamahan na nanloob ng convenience store sa bayan ng Baliwag.

Sa report ni Bulacan Police Officer-In-Charge PCOL. Relly Arnedo, nangyari ang insidente bandang 1:52 ng madaling araw nitong Oktubre 9 sa Brgy. Sulivan.

Ayon kay Arnedo, may report na natanggap ang Baliwag police na may isang convenience store sa lugar ang nilooban at natangayan ng hindi mabatid na salapi ng dalawang lalaking tumakas lulan ng motorsiklo

Agad nagsagawa ng pursuit operation ang mga pulis hanggang sa mamataan ang riding in tandem na tumugma sa paglalarawan sa mga suspek.

Pinara nila ang tandem, subalitt imbes na huminto ay humarurot palayo hanggang sa nakorner at nagpaputok ang isa dito.

Dahil dito, nagkapalitan ng putok ang magkabilang panig dahilan para bumulagta ang isang suspek habang nakatakas ang kasamahang rider.

Narekober sa lugar ang isang Armscor pistol cal .45 apat na basyo, magazine na may limang bala, at belt bag na may P4,240. Dick Mirasol III