Tirador ng sapatos ni Gerald Anderson, huli!

Tirador ng sapatos ni Gerald Anderson, huli!

July 26, 2018 @ 10:20 AM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Arestado ang isang lalaki na nagnakaw umano sa bahay ng actor na si Gerald Anderson.

Tinangay umano ng suspek ang sapatos ni Gerald at mga T-shirt ng staff nito.

Ayon sa personal assistant ni Anderson na si Jalil Laidan, napansin nilang nakatayo ang suspek sa tabi ng sasakyan ng aktor.

Agad naman sinita ang lalaki na agad na tumakbong palayo. Nahuli rin ang suspek na napag-alamang anak ng dating katiwala ni Anderson.

Ayon pa sa drayber ng kapitbahay ni Anderson na si Erwin Ebora, nakita niya ang suspek na pumasok sa loob ng bahay ng aktor at nakita ring lumabas.

Mariin naman tumanggi ang suspek ng dalhin sa Batasan Police Station. (Remate News Team)