Tita Fanny, bumubuti ang kalagayan!

Tita Fanny, bumubuti ang kalagayan!

April 8, 2021 @ 6:48 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nakahanap ng oras si Sharon Cuneta para makakunek sa kanyang mga tagahanga sa pamamagitan ng Instagram Live.

Isa sa mga naitanong sa Megastar ay kung kumusta na ang kaibigang stylist na si Fanny Serrano.

Matatandaang nagkaroon ng massive stroke ang sikat na stylist.

Kasunod nito’y ang pag-post ni Sharon ng mahabang mensahe para ihingi ito ng panalanging makaligtas sa stroke.

Ayon sa latest news from Sharon, naigagalaw na raw ni Tita Fanny ang kanyang kamay.

Looking forward ang singer-actress na mag-i-improve ang kalagayan nito once magsimulang sumailalim sa physical therapy.

Gayunpaman, patuloy na humihingi ng dasal si Sharon para sa kaibigan. Ronnie Carrasco III


  •  
  •  
  •