TITSER AT KABATAAN SA DROGA AT KRI

TITSER AT KABATAAN SA DROGA AT KRI

November 28, 2022 @ 11:58 AM 2 months ago


NAKALULUNGKOT isipin na dumarami umano ang mga kabataan na sangkot sa droga at may mga guro pa na pasimuno mismo sa pagpapalaganap ng droga.

TULAK SI SIR

Nahuli sa isang buy-bust operation si John Paul Costa, 39, guro ng isang public elementary school, sa Brgy. Poblacion, Sta. Cruz, Laguna kamakailan.

Nasa 1.9 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P13,000 ang nasamsam sa kanya.

Kumukuha siya ng suplay sa Bay saka dinadala sa Sta. Cruz upang ibenta.

Mabuti na lang at naririyan ang mga pulis na laging nakabantay laban sa droga.

Saludo tayo sa katapatan sa tungkulin laban sa krimen, droga sa partikular, ng mga pulis na pinamununuan ni Colonel Randy Glenn Silvio, Laguna police director at ni Police Major Gabriel Unay, hepe ng Sta. Cruz Police na sumubaybay at humuli kay Costa.

Pagkatapos nito, sumulat si Costa sa kanyang mga estudyante ukol sa kanyang pagkawala, pag-amin sa krimen at pag-advise sa mga estudyante na pumulot ng aral sa pangyayari.

Ang ungas na ‘to, may lakas pa ng loob na magsabi sa mga bata na “pupulot ng aral” sa kanya.

DROGA, RAPE AT IBA PA

Nitong nakaraang linggo na isinagawa ang Juvenile Justice and Welfare Awareness Week, sinabi ni Cagayan Prosecutor Maria Liza Guzman na dumarami ang krimen kaugnay ng droga kumpara sa nakaraang mga taon.

Sinabi naman ni Shiela Marie Apostol, social welfare officer ng Cagayan Valley Region na may ulat ang Regional Juvenile Justice and Welfare Council (RJJWC) ukol sa 52 na nakakulong sa iba’t ibang kulungan na menor-de-edad na may mga kasong droga, rape at iba pa.

Tanong: Pareho ba ang nagaganap sa Cagayan Valley sa ibang mga rehiyon?

‘Yun bang === dumarami ba ang krimen sa droga, rape, pagnanakaw at iba pa?

Tanong pa: Bumabalik ba ang droga sa iba’t ibang panig ng Pinas makaraang umalis si Pangulong Digong sa poder na sumugpo nang malaki sa paglaganap ng droga?

Tanong ito sa gitna ng sinasabi ng RJJWC na problema sa pamilya, impluwensya ng kapwa kabataan at hindi magandang kapaligiran ang mga pangunahing dahilan ng nasabing mga krimen.

Sa simpleng pag-unawa kasi, mga Bro, kapag nakasinghot ng droga ang isang tao, simula na ito ng pagiging adik at kasunod na ang pagnanasa sa sex na humahantong sa panggagahasa, na kung minsan, walang pinipili.

At kasunod na rin rito ang mga pagnanakaw sa loob at labas ng pamilya para may pambili ng droga.

PATAYAN DUMARAMI

Hindi patakaran ng administrasyon ni Pang. Bongbong Marcos ang madugong paraan sa pagsugpo sa droga.

Pero sadyang ayaw pahuhuli nang buhay at sa halip lumalaban ang mga druglord at pusher kapag sila’y nabubuking.

Sabi Philipine National Police chief Gen. Rodolfor Azurin Jr., may 46 nang napapatay na mga pusher at druglord sa mga anti-narcotics operations at may ilan na ring pulis ang natutumba.

Baka naman, itong ganitong uri ng Tokhang ang dapat ikambal sa pagkulong sa mga pusher at druglord para mapigilan ang pagdami ng mga kabataan na masangkot sa droga at gumawa ng mga krimen pagkatapos!