Tiwala sa Sinovac vax ng mga tauhan ng PGH tumaas

Tiwala sa Sinovac vax ng mga tauhan ng PGH tumaas

March 14, 2021 @ 10:43 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Tumaas ang tiwala ng mga kawani ng Philippine General Hospital (PGH) sa bakuna kontra coronavirus disease (COVID-19) ng Sinovac na mula sa China.

Ayon kay PGH spokesperson Dr. Jonas del Rosario na tumaas na sa 25 porsyento ang nais magpabakuna ng Sinovac vaccine mula sa walong porsyento.

“Around 1,400 vaccinees have already received this vaccine,” ani del Rosario.

Wala namang naitalang nakaranas ng malalang sintomas ng bakuna.

Ayon pa kay del Rosario na malaki ang naitulong ng mga town hall meeting sa pagtaas ng kumpiyansa sa bakuna.

“The best vaccine that you have is the vaccine that you have in your arm. So even if we want some of the other vaccines but they are not available, it’s useless,” giit nito.

“And the problem is the cases are increasing again, we have variants coming in and really the rule is you have to get yourself vaccinated as soon as possible,” dagdag ni del Rosario. RNT/ELM