Tiyansa ng pagkalat ng bird flu sa tao mababa – DOH

Tiyansa ng pagkalat ng bird flu sa tao mababa – DOH

April 2, 2022 @ 10:30 AM 3 months ago


MANILA, Philippines- Siniguro ng Department of Health (DOH) sa publiko nitong Biyernes na maliit ang posibilidad ng pagkalat ng avian flu sa mga tao.

“Nagdeklara po ang Kagawaran ng Agrikultura ng avian flu outbreak kahapon. Ganoon pa man, hindi kinakailangang mag-alala ang publiko dahil ang chance po ng transmission ng avian flu sa mga tao ay mababa,” ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa Palace press briefing.

Batay umano sa World Health Organization, inihayag ni Vergeire na “very rare” ang pagkakahawa ng tao sa avian flu mula sa mga ibon.

Subalit pinaalalahanan niya ang publiko na mag-ingat, umiwas sa wild birds at sumunod sa minimum public health standards, gaya ng pagsusuot ng masks at paghuhugas ng kamay.

“Umiwas muna po tayo sa paglapit sa mga wild birds, sa mga ibong may sakit o doon po sa mga taong naging close contact ng mga ibon o mga fowl na mga may sakit,” aniya. RNT/SA