Tiyuhin patay sa stepson sa tsismis

Tiyuhin patay sa stepson sa tsismis

December 5, 2022 @ 8:24 AM 2 months ago


NEGROS OCCIDENTAL- Patay ang isang tiyuhin at stepdad rin ng kanyang sariling pamangkin matapos itong pagsasaksakin dahil umano sa tsismis, iniulat kahapon sa bayan ng Enrique B. Magalona sa lalawigan ito.

Kinilala ang biktimang si Renante Tuting, 44-anyos, habang nadakip naman ang suspek na kinilalang si Lloyd Richard Tuting, 19-anyos, at kapwa residente sa Sitio Minisca, Brgy. Gahit, Enrique B. Magalona.

Batay sa report ng EB Magalona Municipal Police Station, dakong alas-10 ng gabi naganap ang krimen sa loob ng bahay ng magtiyuhin sa naturang lugar.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, umuwing lasing ang biktima sa bahay at kinompronta nito ang suspek tungkol sa pinapakalat na tsismis ng kinakasama ni Richard.

Nagalit ang suspek at nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang sa kumuha ng kutsilyo ang batang Tuting at pinagsasaksak ang kanyang tiyuhin sa likod at dibdib.

Nagawa naman isugod sa ospital ang biktima subalit idineklara na rin itong patay ng umatending doktor.

Nadakip naman ang suspek ng mga rumespondeng pulis at ngayon at nahaharap sa kasong homicide.

Ayon sa pulisya, magkapatid ang biktima at ang namatay na ama ng suspek hanggang sa pinakasalan ni Renante ang ina ni Richard.

Nahaharap ngayon sa kasong homicide ang suspek. Mary Anne Sapico