TNT tibag sa Phoenix; isang panalo na lang papasok na sa PBA Finals

TNT tibag sa Phoenix; isang panalo na lang papasok na sa PBA Finals

November 22, 2020 @ 6:45 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

PAMPANGA – Naisukbit ng Phoenix Super LPG ang ikalawang panalo kontra TNT Tropang Giga, 92-89,  sa Game 3 ng best-of-five semifinals series ng PBA Philippine Cup na ginanap sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center.

Nanguna sa panalo si Matthew Wright na kumamada ng 23 points, kasama ang winning crucial 3 points, na sa kabila ng injury ay naglaro para tulungan ang Phoenix na makuha ang 2-1 kartada.

Isang panalo na lang ay makapapasok na sa PBA Finals ang Phoenix na itinuturing ngayon na pinakasikat na team dahil sa kontrobersiyal na si Calvin Abueva.

Isa rin si Abueva na bumuhat sa Phoenix para sa panalo dahil  ang double-double performance nito sa itinipang 24 points at 14 rebounds kasama ang anim na assists.

Target ng Phoenix na tapusin na ang semis sa Game 4 na gaganapin sa Miyerkules sa AUF Gym.Rico Navarro


  •  
  •  
  •  

Loading...