TNVS coalition makikipagtulungan sa gobyerno sa pagbuti ng ride-hailing services

TNVS coalition makikipagtulungan sa gobyerno sa pagbuti ng ride-hailing services

December 5, 2022 @ 12:45 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nakahandang makipagtulungan sa pamahalaan at mga mambabatas ang isang koalisyon ng mga tsuper at operators ng transport network vehicle services (TNVS) na may 25,000 miyembro upang mas gumanda pa ang ride-hailing services sa bansa at nangako rin ito na gagawin ang makakaya upang mabawasan ang mga pasanin ng mga Pinoy commuters.

Sa isang press conference noong Lunes matapos ang isang pagpupulong ng iba’t ibang grupo at organisasyong TNVS, sinabi ng tagapagsalita ng TNVS CommUNITY na si Bobby Coronel na “ninanais naming na maging integral na bahagi ng mga solusyon sa mga problema sa transportasyon sa bansa, lalo na sa Metro Manila.”

No description available.

“Nakikiisa po kami sa kalunos-lunos na problema ng ating mga mananakay, ang mahahabang pila sa LRT, MRT, pati na sa mga bus ng Carousel, taxi, jeep, tricycle, at e-bike, para lang makapasok sa trabaho at makauwi sa bahay,” ani Coronel.

Sinabi ng beteranong TNVS driver na batid naman nila ang mga hinaing ng mga TNVS riders dahil direkta nilang naririnig ang mga ito mula sa mga pasahero.

“Higit sa lahat,” ani Coronel, “hindi din po lingid sa amin ang hinaing ng ating mga pasahero sa TNVS. Direk po naming naririnig lahat ‘yan sa tuwing kami ay nakikipagkwentuhan sa mismong mga pasahero namin.”

“Kaya hangad po sana naming makipagtulungan sa ating gobyerno at sa mga mambabatas, lalong-lalo na sa kagalang-galang sa Senador Grace Poe, upang malayos at mapaganda ang aming serbisyo.”

Ayon kay Saturnino Mopas, pinuno ng Transport Network Vehicle Representatives, isa mga sa mga dumalong TNVS groups, na sila ay kasama sa lumalawak na komunidad ng 25,000 na mga tsuper at operators na nabibilang sa halos 100 na iba’t ibang TNVS groups na nakabase sa iba’t ibang parte ng National Capital Region.

Idinagdag ng TNVS leader na nananalig siya na matutulungan sila ng media na mapatotohanan na sila na mapatotohanan na sila ay isang lehitimong boses ng sektor ng TNVS at ang isa mga layunin ng kanilang press conference ay upang klaruhin ang mga maling impormasyon na ipinapakalat ng ilang kampo na nagpapanggap na mga kinatawan ng mga tsuper at operators ng TNVS.

Ibinahagi pa ni Mopas na “sila rin po ay agresibong lumalapit sa iba’t ibang sangay ng gobyerno at sa mga mambabatas, ngunit hindi po nila naipararating ang tunay na disposisyon ng mga TNVS drivers.”

Binigyang-diin ni Calvin Manalo ng Unity of Leaders for TNVS Community, isa pang grupo na miyembro ng koalisyon, na importante na makausap ng mga mambabatas ang mga totoong tsuper at operator ng TNVS upang mas mabatid ng mga ito ang totoong kalagayan ng sektor.

“Gusto po namin na mapakinggan din kami at malaman din ninyo ang aming mga tunay na sentimiyento bilang mga driver na tunay na sumasabak sa kalye sa araw at gabi upang kumayod para sa aming mga pamilya,” pagbibigay-diin ni Manalo.

“Sa tuwing may pagbabago sa regulasyon at polisiya, naapektuhan din po ang aming hanapbuhay at pamilya.” RNT