Tobacco farmers, hindi etsyapwera sa bagong cigarette tax bill

Tobacco farmers, hindi etsyapwera sa bagong cigarette tax bill

June 7, 2019 @ 3:20 PM 3 years ago


Manila, Philippines – Tiniyak ni Senador Edgardo “Sonny”  Angara na magpapatuloy ang suporta ng pamahalaan sa magsasaka sa pamamagitan ng ilang benepisyo mula sa incremental revenues sa pagtaas ng excise tax na ipapataw aa tobacco products na magsisimula sa 2020.

Sa pahayag, sinabi ni Angara, chairman ng Senate ways and means committee,  direktang mapupunta sa magsasaka ang 20% ng dagdag na buwis sa 23 tobacco producing provinces upang pondohan ang mga programa na magbibigay suporta sa farmers at workers sa tabakuhan.


“Under the measure, 15 percent of excise tax on locally manufactured Virginia-type cigarettes but not exceeding P17 billion will go to Virginia tobacco producing provinces, while 5 percent but not exceeding P4 billion will be allocated to burley and native tobacco producing provinces,”  giit ni Angara.

Sinabi ni Angara na maibibigay ang suporta sa tobacco farmers sa pamamagitan ng inputs, trainings, safety nets, infrastructure, livelihood at agri-industrial projects.

Ayon sa National Tobacco Administration, tatlong tobacco types ang itinatanim sa 23 tobacco producing provinces sa bansa, partikular ang Virginia tobacco Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra at La Union.

Itinatanim naman ang Burley tobacco sa Pangasinan, La Union, Abra, Isabela, Cagayan, Tarlac at Occidental Mindoro; habang ang.native o dark tobacco ay itinatanim sa Pangasinan, La Union, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Capiz, Iloilo, Cebu, Negros Oriental, Leyte, Zamboanga del Sur, Bukidnon, Misamis Oriental, North Cotabato at Maguindanao.

Itataas mula sa dating P35 tungo sa P60 ang buwis kada kaha ng sigarilyo sa loob ng apat na taon.

“The starting rate of P45 will be implemented in 2020, followed by a series of annual P5 increases until the rate reaches P60 in 2023. Thereafter, the rate automatically increases by 5 percent” paliwanag ni Angara.

“Mahirap din naman po ang kalagayan ng mga kababayan nating tobacco farmers. Mula raw po nang ipinatupad ang sin tax law noong 2013, mahigit 20 milyong kilo ng tobacco ang ibinaba sa produksyon,” ayon ka Angara.

“Libu-libong magsasaka rin, kasama na ang kanilang pamilya at mga taong nakadepende sa tobacco farming, ang tinamaan ng paghina sa produksyon,” dagdag niya. Ernie Reyes