Tokayev nanumpa nang bagong Pangulo ng Kazakhstan

Tokayev nanumpa nang bagong Pangulo ng Kazakhstan

November 28, 2022 @ 7:43 PM 2 months ago


KAZAKHSTAN – Nanumpa na nitong Sabado, Nobyembre 26 sa isang inauguration ceremony sa kabisera na Astana ang bagong Pangulo ng Kazakhstan na si Kassym-Jomart Tokayev.

Nanuma ito sa Palace of Independence kasabay ng seremonya na binuksan kasabay ng watawat ng naturang bansa, presidential standard at Constitution na inihatid sa Grand Hall.

Pagkatapos ng panunumpa sa mga mamamayan ng Kazakhstan ay idineklara na itong bagong head of state.

“I see the election results as support for my political platform and a mandate of trust for the implementation of plans for the coming period. It is a high honor and a colossal responsibility to lead the country, enjoying the people’s support,” ani Tokayev.

Gagawin din ng bagong Pangulo ang lahat ng posibleng magawa nito upang matugunan ang inaasahan ng mga mamamayan at makabuo ng patas na trato sa mga mamamayan ng bansa.

Tututukan din ni Tokayev ang kooperasyon at strategic partnership sa mga karatig-bansa at iba pang Central Asian countries tulad ng Russia at China. RNT/JGC