Tokyo 2020 Games, gagamitan ng high-tech facial recognition software

Tokyo 2020 Games, gagamitan ng high-tech facial recognition software

August 9, 2018 @ 1:53 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Tokyo Organizing Committee of the Olympic and Paralympic Games na gagamitan ng face recognition system sa gaganapin na 2018 Olympic Games upang ma-verify ang pagkakakilanlan ng mga atleta, opisyales, iba pang staff at media representatives.

Gaya ng inaasahan, NEC Corporation, Tokyo 2020 Gold Partner, ang kompaniya na gagagwa sa facial recognition system, na mayroong facial images ng bawat ‘accredited individual’ na kokolektahin bago umpisahan ang event at itatago sa database. Ito ang magiging basehan ng ‘verification at the accreditation check points at the competitions’.

Ang bersyon ng facial recognition software na gagamitin ng mga organizer ay kilala bilang ‘one of the world’s most accurate systems, capable of recognizing those who have undergone cosmetic surgery, as well as distinguishing between identical twins.’

Ayon pa sa mga organizers, ito ay may kakayahang para mapataas at mapaigting ang seguridad sa event at para maiwasan ang  ‘spoofing, forgery and the use of lost or stolen accreditation’.

Bukod pa rito, sinabi rin ni Tokyo 2020 Executive Director of Security Tsuyoshi Iwashita, “The key to Games security is to prevent unauthorized people or items from entering venues. Tokyo 2020 will utilize an automated face recognition system for accredited people, a first for an Olympic or Paralympic Games, to prevent unauthorized access. This latest technology will enable strict identification of accredited people compared with relying solely on the eyes of security staff, and also enables swift entry to venues which will be necessary in the intense heat of summer. I hope this will ensure a safe and secure Olympic and Paralympic Games and help athletes perform at their best.”

Siniguro naman ni NEC Corporation Senior Vice President Masaaki Suganuma na sapat ang kanilang experience at kaalaman pagdating sa biometric identification technologies para masiguro na magiging matagumpay at ligtas ang Tokyo 2020 Games.

Ang NEC ay global leader pagdating sa ganitong klase ng technolohiya gaya ng identification gamit ang facial images, iris scans, fingerprints, palm prints, finger vein, voice at ear acoustics. Ang kompanya rin ay ang pinakapinagkakatiwalaang suplayer ng nasa 70 bansa at rehiyon. Remate News Team