Tokyo silver medalist Paalam, negosyante na

Tokyo silver medalist Paalam, negosyante na

January 13, 2022 @ 10:35 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Nagamit na ni Tokyo Olympics silver medalist Carlo Paalam ang kanyang cash incentives at nagpatayo ito ng isang grocery store sa Cagayan de Oro City.

Ayon kay Paalam, sisiguruhin niyang hindi masasayang ang kanyang pinaghirapang gantimpala mula sa kanyang Olympics feat, kaya nagtayo ito ng “Paalam Store,” isang mini grocery.

Namuhunan din ang boksingero sa dalawang palapag na commercial building kung saan matatagpuan ang tindahan.

Ibinida ni Paalam ang kanyang pinakabagong proyekto sa social media noong nakaraang linggo.

Tumanggap si Paalam ng hindi bababa sa P17 milyon na cash incentives matapos niyang magwagi ng silver medal sa Tokyo Summer Games.

Bago maging boksingerop, si Paalam ay naging isang basurero habang ang kanyang pamilya ay naghihikahos sa hirap ng buhay.Rico Navarro