‘Toll holiday’ para sa mga motorista, ikinasa ng SMC Infrastructure

‘Toll holiday’ para sa mga motorista, ikinasa ng SMC Infrastructure

December 22, 2022 @ 3:42 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Magandang balita para sa mga motorista na bumibiyahe sa labas ng Metro Manila para sa holidays ang anunsyo ng SMC Infrastructure ni hindi ito maniningil ng toll fee sa ilang lugar para sa Pasko at Bagong Taon.

Sa abiso nitong Miyerkules, sinabi ni SMC President Ramon Ang na hindi maniningil ng toll fee sa STAR, SLEX, at Skyway system, NAIAX, at sa TPLEX.

Magsisimula ang “toll holiday” mula alas-10 ng gabi sa Dec. 24 hanggang alas-6 ng umaga sa Dec. 25, at mula  alas-10 ng gabi sa Dec. 31 hanggang alas-6 ng umaga sa Jan 1. RNT/SA