Tom, balik-Pinas na!

Tom, balik-Pinas na!

October 18, 2022 @ 1:17 PM 2 months ago


Manila, Philippines – After the long wait, magbabalik na sa bansa si Tom Rodriguez!

Ito mismo ang ibinalita ng Kapuso actor nang maispatan kamakailan sa isang event sa Los Angeles sa Amerika.

Guest performer si Tom along with Comedy Concert Queen na si Ai Ai de las Alas.

Isang showbiz reporter doon ang binalitaan ni Tom na anytime daw ay babalik na siya sa bansa.

Nakatakda raw kasing gawin ng aktor ang comeback TV show sa GMA.

This same showbiz reporter ang binigyan ng pagkakataon ni Tom para pisilin ang kanyang may laman nang braso.

Aminado si Tom na pumayat siya roon.

Matatandaang Tom left for the US sometime in March this year nang pumutok ang balitang nagkahiwalay sila ng asawang si Carla Abellana.

Sa Arizona kung saan naroon ang kanyang pamilya nakikitira si Tom.

He says he shuttles between Arizona and Los Angeles pag may show siya sa huli.

Rebelasyon din ang pagkakaroon ng magandang singing voice ni Tom sa jampacked venue ng mga miyembro ng Filipino community.

Iniwasan na lang ng showbiz reporter na usisain si Tom tungkol kay Carla.

Ang offer ng GMA kay Tom ay bilang pagtupad sa pangako ng network na ano pa man ang nangyari sa kanila ni Carla ay mananatili ang suporta nito sa aktor.

Ayaw pa munang sabihin ni Tom kung anong TV project ang naghihintay sa kanya.

Pero tingin niya’y “nakapagpalamig” na siya as the issue has simmered down.

Teka, first quarter ng 2023 ang sinabing pagbabalik din ni Jennylyn Mercado sa TV after makapagpahinga for almost two years.

Hindi kaya sa iisang programa muling mapapanood sina Tom at Jennylyn?

For all we know. Ronnie Carrasco III