Tom Holland, naiyak sa screening ng Spider-Man: No Way Home!

Tom Holland, naiyak sa screening ng Spider-Man: No Way Home!

December 15, 2021 @ 9:55 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Ang hirap sumabay sa hype knowing na kailangang maghintay ng Pilipinas ng tatlong linggo bago ipalabas rin sa bansa ang Spider-Man: No Way Home na inaabangan ng lahat!

‘Kainggit, sigaw ng fans! Ang release kasi worldwide ay sa December 17 na, pero sa atin, next year pa, January 8.

Kumalat nga nitong nakalipas na linggo on social media ang hashtag na #DontDelayNoWayHomePh! Hindi na talaga makapaghintay ang mga Pinoy.

Lalo pa ngayon, na sa ginanap kasi na screening ng nasabing pelikula, trending topic sa social media ang pag-iyak ni Tom Holland.

Naluha ang aktor sa mainit na reaction ng crowd.

Nadagdagan tuloy ang excitement ng fans! Biro ng netizens sa comments section, “Tom Holland cried on the first screening, pero ang Pinoy, naiyak kasi huli ang screening!”

Darating tayo diyan guys! At least we have one good and exciting thing to look forward to na agad this coming 2022! Wink. Paula Jonabelle Ignacio