Tom, lilipad ng US para magpalamig!

Tom, lilipad ng US para magpalamig!

March 19, 2022 @ 12:33 PM 3 months ago


Manila, Philippines – Balitang bound for US si Tom Rodriguez.

Pero kung kailan ay hindi pa raw tiyak.

One thing’s for sure, magpapalamig daw muna ang aktor dahil sa mga Isyu involving ‘yung hiwalayan nila ng asawang si Carla Abellana.

Kung iisa-isahin nga naman ‘yon, anybody would want to take a breather from it all.

Ang pagpunta raw sa Amerika ang purpose ng pagdalaw ni Tom sa kanyang biyenan, si Rey “PJ” Abellana recently.

Nagkataong may okasyon daw sa bahay ni Rey when Tom arrived.

Doon nga rin sinabi ni Tom sa biyenan kung gaano niya kamahal ang anak nito, and that he wants Carla back.

Pero sabi nga, flight is guilt.

Bakit hindi na lang klaruhin ni Tom ang ilang mga bagay sa halip na “tumakas”? Ronnie Carrasco III