Tom nagte-therapy sa US!

Tom nagte-therapy sa US!

June 22, 2022 @ 8:00 AM 1 week ago


California, USA – Naiimadyin namin kung gaano katindi ang impact kay Tom Rodriguez ng paghihiwalay nila ng asawang si Carla Abellana.

Nasa Amerika si Tom sa kasalukuyan kasama ang kanyang pamilya.

At sa tindi nga ng dagok bunga ng kanilang marital patch, balitang sumasailalim si Tom sa therapy para matutukan ang kanyang mental health.

Obyus na tanggap na ng aktor that Carla has given up on their marriage, “It’s time to move forward.”

Samantala, inuurot si Tom na pangalanan ang kaibigang nanloko sa kanya ng tumataginting na P24 million.

Pagpapagawa pala sana ‘yon ng resthouse nila ni Carla.

Isa kasi ito sa mga sinasabing dahilan kung bakit siya sinukuan ni Carla.

Sa ngayon din, wala pang malinaw na proyektong naghihintay kay Tom sa GMA.

Ewan kung paano niya mababawi ang nawalang milyones sa kanya kung nakatengga siya’t walang pinagkakakitaan.

How very sad. Ronnie Carrasco III