Tom, siguradong may babalikang trabaho sa Kapuso!

Tom, siguradong may babalikang trabaho sa Kapuso!

July 7, 2022 @ 5:55 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Hindi ngayon at may problema sa pagitan nina Carla Abellana at Tom Rodriguez, ibig sabihi’y wala na ring trabahong babalikan ang aktor.

Ito ang nasagap ng Remate Online kaugnay ng estado ni Tom sa network.

Kasalukuyang nasa Amerika ang aktor makaraang pinagpiyestahan ang  paghihiwalay nila ni Carla.

Ayon sa isang source sa GMA, sa kabila raw ng nangyari sa estranged couple ay tiniyak ng pamunuan na tuloy pa rin ang trabaho ni Tom.

Kailangan lang daw munang magpalamig si Tom at hintaying humupa ang mainit pa ring isyu sa kanila ni Carla.

Ang maganda pa rito, wala umanong kinakampihan ang GMA sa dalawang partido.

Same with Carla, hindi rin apektado ang estado nito sa network sa kabila ng pag-aayos nitong mapawalang-bisa ang kasal nila ni Tom.

Sa katunayan nga raw, lumabas pa si Carla bilang isa sa tatlong nag-a-apply na yaya sa finale episode ng First Lady nitong July 1.

In-assure naman daw ng GMA na walang dapat ipag-alala si Tom pagbalik nito galing Amerika.

So there! Ronnie Carrasco III