Tomboy ng (G)I-DLE lampas 100M streams na sa Spotify

Tomboy ng (G)I-DLE lampas 100M streams na sa Spotify

September 21, 2022 @ 11:10 AM 2 weeks ago


SEOUL, South Korea – Lampas 100 million streams na sa Spotify ang title track ng 1st full-length album ng (G)I-DLE na “Tomboy”!

As of September 21, ayon sa Cube Entertainment, ay lampas 100 million na ang mga nakinig sa naturang awitin.

Matatandaan na noong Marso ay nagkaroon ng comeback ang grupo kasabay ng kanilang 1st-full length album na “I Never Die” na kagyat ring nagpasiklab sa domestic at foreign music charts ang title track nito.

Sa paparating na Oktubre 17 ay kaabang-abang na naman para sa fans ng (G)I-IDLE dahil iri-release naman nila sa araw na ito ang kanilang 5th mini album na “I Love”. RNT/JGC