TOMORROW x TOGETHER, matagumpay ang naging performance sa Good Morning America

TOMORROW x TOGETHER, matagumpay ang naging performance sa Good Morning America

July 20, 2022 @ 12:15 PM 4 weeks ago


UNITED STATES – Another accomplishment na naman ang nagawa ng Kpop boy group na TOMORROW x TOGETHER.

Ito ay makaraang makapagtanghal sila successfully sa sikat na morning program sa Amerika na ‘Good Morning America’ ng ABC.

Nitong Hulyo 11, nagkaroon ng appearance kasi ang grupo bilang musical guests at nagkaroon ng performance ng kanilang latest comeback title track na ‘Good Boy Gone Bad.’

Matatandaan na nasa Estados Unidos ang TOMORROW x TOGETHER para sa kanilang US tour kung saan natapos na ang kanilang concert sa Chicago at New York.

Nakatakda naman silang magtungo sa Atlanta, Dallas, Houston, San Francisco at Los Angeles sa pagpapatuloy ng kanilang North American tour. RNT/JGC