TOMORROW x TOGETHER pasok sa Song Breaker Chart ng Billboard

TOMORROW x TOGETHER pasok sa Song Breaker Chart ng Billboard

March 23, 2022 @ 12:00 PM 3 months ago


SEOUL, South Korea – Pasok ang Kpop group na TOMORROW x TOGETHER sa ‘Song Breaker’ chart ng Billboard!

Ito ay ayon sa latest update ng Billboard kung saan nasa 18th spot ng Song Breaker chart ang naturang grupo.

Sila ang kauna-unahan sa mga male Kpop groups na makapasok sa naturang chart mula nang ipakilala ito sa publiko noong Agosto, 2021.

Matatandaan na noong Disyembre, nakapasok rin sa Song Breaker chart ng Billboard ang TWICE sa ika-apat na pwesto na kauna-unahan naman sa Kpop girl group!

Ang ‘Song Breaker’ chart ay ang pinakabagong chart ng Billboard na sinusukat ang kasikatan ng mga singer at grupo sa mga content creation platform katulad ng TikTok, YouTube at iba pang social media platform. RNT/JGC