Toni at Alex, ginawang joke ang pagpahid ng cake!

Toni at Alex, ginawang joke ang pagpahid ng cake!

January 23, 2023 @ 8:01 AM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Kuwela at patok sa audience ang banter ng magkapatid na Toni at Alex Gonzaga sa 20th anniversary ng una sa Smart Araneta Coliseum nitong January 20.

Special guest ni Toni sa kanya ring birthday concert ang nakababatang kapatid.

Bahagi ng banter ng sister ay may reference sa kinasangkutang icing smearing ni Alex sa waiter sa bisperas ng kanyang 35th birthday.

Ani Toni kay Alex: “Kaya ka pala trending for three days.”

Dinugtungan niya ito ng, “Birthday ko pero inilayo namin sa iyo ang lahat ng cake.”

Sinakyan naman ito ni Alex: “Tin, nagbago na ako. I am a changed person.”

Dito na sa puntong ito dumagundong ang audience.

Humingi na nga naman ng dispensa si Alex sa mismong waiter na pinahiran niya sa noo ng icing ng sinerve nitong moist chocolate cake.

Sinadya ni Alex ang waiter na nakilalang si Allan Crisostomo sa mismong pinagtatrabahuhan nito.

Doon ay personal na nagsori si Alex na nauwi sa sandaling kuwentuhan.

At sa banter on cake ngang ‘yon ng magkapatid sa concert, sabi ni Alex ay ayaw na niya ng cake bilang regalo.

Mas nanaisin pa raw niyang tumanggap ng panis na pagkain.

Nabanggit din ni Alex sa tanong ng kanyang ate kung ano ang handa niya noong birthday niya, Alex replied na ice cream at bilo-bilo lang.

Obyus na malakas ang naging impact ng pagbibiro ni Alex, dahilan para kapulutan niya ‘yon ng aral.

Marami na kasi ang nadamay, maging ang mga kuwento ng nakaraan ay muling naungkat.

Pero in Alex’s words nga ay nagbago na raw siya.

Pagbibigyan ba natin si Alex o ipagkakait natin sa kanya ang tsansang natuto na siya sa kanyang pagkakamali? Ronnie Carrasco III