Toni, bet nang sundan si Seve!

Toni, bet nang sundan si Seve!

November 30, 2022 @ 3:43 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Sa kabila ng pandemya, patuloy na umusbong ang karera ni Toni Gonzaga.

Namayagpag ang kanyang vlog na “Toni Talks” kung saan pumalo na sa 6.47 million ang kanyang subscribers as of this writing.

Nananatiling isa rin siya sa trusted endorsers ng iba’t-ibang brands.

Ito ay kahit na naba-bash siya noon dahil sa kanyang sinuportahang kandidato noong nakaraang eleksyon.

Gayunpaman, nanatiling unaffected ang tinaguriang ‘unbothered queen.’

Ayon nga kay Toni, natuto na siyang piliin ang kanyang mga laban at dedmahin ang kanyang bashers.

Speaking of the Ultimate Multimedia star, happy si Toni na unti-unti nang nagbabalik ang lahat sa ‘new normal’.

Katunayan, masaya siya dahil magdaraos siya ng kanyang 20th anniversary and birthday concert na gaganapin sa January 20, 2023 sa Araneta Coliseum na iprinudyus ng Godfather Productions ni Joed Serrano kung saan co-producer din ang kanyang inang si Mommy Pinty.

Sa plano namang magkaroon ng baby no. 2, kung siya raw ang masusunod, gusto na niyang sundan ang panganay na anak nila ni Direk Paul Soriano na si Seve.

“Sana, next year. We’ll do our best,” ani Toni.

Aniya, malaki na rin daw ang kanyang panganay kaya puwede na nila itong sundan.

Sa tanong naman kung may hilig sa showbiz si Seve, aniya, wala raw siyang nakikitang interes ang anak na pasukin ang showbusiness.

“Parang hindi niya alam itong ginagawa namin,” sey ni Toni.

Tungkol naman sa kontrobersya ng kapatid niyang si Alex Gonzaga at Heart Evangelista, ayaw daw niyang makialam sa isyu ng dalawa.

Pinag-usapan kasi ng mga Marites ang naging pahayag nina Alex at Dra. Vicki Belo sa vlog ng huli na inisnab umano sila ni Heart sa Milan Fashion Week. Pero pagkatapos ng ilang araw ay binawi nila ito at sinabing joke lang daw ang mga sinabi nila’t hindi naman daw sila nagkita ng Kapuso actress sa Milan.

“Hindi ba nagbigay na sila ng statement?” sey ni Toni.

“Nagbigay na sila ng statement, huwag na ako. Quiet na lang ako,” dagdag niya.

Sa ngayon, puspusan ang paghahanda ni Toni sa kanyang upcoming concert. Archie Liao