Toni, dedma sa boykot!

Toni, dedma sa boykot!

September 29, 2022 @ 7:31 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Hinihinalang mga Pinklawan umano ang nasa likod ng cancel culture laban kay Toni Gonzaga.

Ang Pinklawan ay bansag sa mga tagasuporta ni dating Vice President Leni Robredo na tumakbo sa pagka-Pangulo noong huling eleksyon but lost to President Bongbong Marcos.

Ninong ni Tony at asawang si direk Paul Soriano sa kasal si PBBM na kapwa sinuportahan ng couple.

Ang boykot kay Toni ay bahagi ng nausong cancel culture.

May kinalaman ito sa ineendorsong bottled water ni Toni na ipinapanawagan ng mga umano’y Pinklawan na iboykot.

Damay rin ang ibang mga ineendorsong produkto ni Toni tulad ng cake, toothpaste at iba pa.

Maging ang kapatid niyang si Alex ay damay sa nasabing cancel culture o boycott.

Nagtataka naman ang kampo ni Toni dahil matagal nang isyu ito na nabahiran ng pulitika.

Taong 2018 pa raw ito, kung tutuusin.

Ayon naman sa isang may mataas na tungkulin sa kumpanya ng bottled water, sana raw ay hindi idamay ang kanilang produkto.

Malaki raw kasi ang epekto nito sa mga empleyado ng kanilang pinagtatrabahuhan.

Isantabi na raw ang pulitika dahil panahon na para magkaisa ang bayan.

Wala pang reaksyon si Toni sa hakbang na ito na iboykot ang ineendorsong produkto. Ronnie Carrasco III