Toni, hirap makakuha ng guest sa AllTV!

Toni, hirap makakuha ng guest sa AllTV!

January 25, 2023 @ 12:31 PM 1 week ago


Manila, Philippines – Dapat by now, since last year pa ang eleksyon, ay humupa na ang isyu tungkol sa pulitika.

‘Ika nga, may nanalo na.

But not in the case of political supporters tulad ni Toni Gonzaga na identified kay Pangulong Bongbong Marcos.

Gaano katotoo na hirap daw ang pamunuan ng AllTV na makakuha ng ige-guest sa programa ni Toni sa Villar-owned network?

Celebrity-oriented ang format ng show ni Toni.

Ang siste, papayag daw ang iniimbitang artista mag-guest sa show.

Pero kapag nalaman na nito na ang guesting ay para sa show ni Toni ay bigla na lang daw itong aatras.

Kesyo may conflict daw sa schedule at kung anu-ano pang alibi, gayong umoo na ito sa umpisa.

Tuloy, nahihirapang sumipa ang AllTV.

Ito rin ang pinaksa ng Showbiz Now Na hosted by Cristy Fermin.

Nahihiwagaan din ang mga anchors nito kung bakit tila kakatwa ang pananahimik ngayon ni Willie Revillame sa panahong dapat sana’y umaarangkada na ang nilipatang istasyon.

Ang press release pa naman ni Willie ay magpu-full blast na ang AllTV ngayong 2023.

Pero bakit daw wala tayong nababalitaan?

Sa kaso naman ni Toni, kung madali para sa kanya ang kumuha ng guest para sa kanyang YouTube channel, bakit hirap siya sa AllTV?

In fairness to Toni, labas ang pulitika sa kanyang career at ito ang dapat maunawaan ng mga kasamahan niya sa industriya.

Unang-una, wala namang kinalaman si PBBM sa AllTV. Ronnie Carrasco III