Toni, inokray sa pag-flop ng pelikula!

Toni, inokray sa pag-flop ng pelikula!

January 10, 2023 @ 10:05 AM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Dismal flop, in gay lingo, flopsina ang pelikula nina Toni Gonzaga at Joey de Leon, ang My Teacher.

Ayon sa Kapamilya TV, pinull-out ng maaga sa mga sinehan ang pelikulang My Teacher dahil tatlo o apat na katao lamang ang pumapasok sa sinehan. Sa two days of showing, naka-P6M lamang ito taliwas sa paniniwala ng kampo ni Toni na hahataw ito sa MMFF.

Bukod sa kulelat pa ang film, pasang-awa pa ang ibinigay na award sa My Teacher, ang Gender Sensitivity Award, masabi lang na nagka-award.

Matatandaang binansagang Most Powerful Celebrity si Toni ng asawang si Direk Paul Soriano.

Sabi ng isang Kakampink na si Diomedes, “Ang tapang mag-produce ng mag-asawa (Toni at Paul), umasa sila sa 31-M voters.” Ador Saluta