Toni, may 2 show sa AMBS; Alex, susunod na?

Toni, may 2 show sa AMBS; Alex, susunod na?

July 21, 2022 @ 8:15 AM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Abangan ang dalawang programa ni Toni Gonzaga sa bagong tatag na AMBS.

Ang AMBS o Advanced Media Broadcasting Systems ay ang network na pag-aari ng dating senador at bilyonaryong si Manny Villar.

The new Chanbel 2 rin ang tawag dito na sa darating na Oktubre na nakatakda maging fully operational.

Ayon kay Cristy Fernin, may mga source siya na nagsabing may dalawang programa na si Toni ang host.

Hindi malinaw kung anong uri o genre ang mga programang ‘yon.

Dagdag pa ng kanyang source, bukod kay Toni ay marami rin daw ang nakakita sa asawa nitong si direk Paul Soriano at ina nitong si Mommy Pinty sa Wil Tower.

Ang Wil Tower ang gusali na pag-aari ni Willie Revillame na may mataas na katungkulan sa AMBS.

Matatandaang nagbitiw si Toni bilang host ng Pinoy Big Brother. Idinahillan nito ang conflict sa kanyang work schedule.

With Toni now with AMBS, can direk Paul be far behind?

At saan pa rin ba lulugar ang kapatid ni Toni na si Alex? Ronnie Carrasco III