Toni, may hanash about love!

Toni, may hanash about love!

January 11, 2022 @ 3:23 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Kung love and relationship ang pag-uusapan, mukhang malaki ang tiwala ng netizens kung manggagaling ang piece of advice kay Toni Gonzaga.

Kaya naman trending ngayon sa social media ang mga binitawang salita ni Toni about love.

“Love should not hurt. Love does not hurt. If it’s hurting you, that’s not love.

“Love is supposed to heal you. Love is supposed to comfort you. Love is supposed to give you peace. Love is supposed to give you security.”

Ilan sa mga lines na binitawan ng actress/host sa kaniyang Toni Talks episode kung saan guest niya ang YouTuber na si Jelai Andres.

Napag-usapan ng dalawa ang mga pinagdaanan ni Jelai sa kanyang past relationship that lead to Toni giving some hugot lines to the viewers.

Marami naman ang naka-relate dito at sinang-ayunan ang host.

Biro pa ng iba, “‘Pag naging blinded ako sa love, ‘pag nagiging martyr na ‘ko, babalik balikan ko ‘tong lines ni Toni para matauhan ako.”

Sino naka-relate? Paula Jonabelle Ignacio