Toni nagbabala sa publiko vs poser na nanghihingi ng datung

Toni nagbabala sa publiko vs poser na nanghihingi ng datung

July 6, 2022 @ 1:19 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Hindi na sana maaalarma si Toni Gonzaga sa poser na nagpapanggap bilang siya kung hindi ito nanghihingi ng pera.

Binalaan ni Toni ang kanyang mga followers at subscribers tungkol ss isang poser na gumagamit sa pangalan niya.

Ang modus operandi ng poser ay ang manghingi ng digital gift at pera.

At para raw makumbinsi nitong siya si Toni ay pino-promote pa nito ang kanyang vlog.

May Toni Talks ang TV host kung saan she gets to do one-on-one sitdown interviews with her subjects.

Ayon kay Toni, ni minsan daw ay never siyang nanghingi ng pera.

She would not have minded her poser at all kung wala raw sanang involved na pera.

Duda ng marami, buhat daw ma-identify si Toni at ang asawang si Paul Soriano kay BBM ay katakutakot na ang mga paninira sa kanya.

Nakikiusap si Toni ns tulungan siyang mai- report ang poser sa mga kinauukulan. Ronnie Carrasco III