Toni, tatapatan si Regine!

Toni, tatapatan si Regine!

September 4, 2022 @ 8:51 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Kanyang-kanyang opinyon na naman ang mga Marites sa pagkalat ng photos ng bonding nina Toni Gonzaga, Karla Estrada at Mariel Padilla kamakailan.

Naipost ang naturang picture sa Instagram account ng asawa ni Binoe na si Mariel.

Kumbaga, appreciation post ito ni Mariel sa dalawang kaibigan na nagbigay noon ng suporta sa panahon ng pangangampanya ng mister sa kandidatura nito noon bilang senador.

Isa rin ang common denominator ng tatlo dahil pareho naman silang maka-BBM na malaking bagay para sila magkasundo.

Dahil sa litratong ito, may umusbong na balita na may gagawin daw umano ang tatlo na morning show para sa AMBS bagama’t wala namang nagkukumpirma rito.

Hirit naman ng ilang observers,  may K daw namang mag-host ang tatlo dahil hindi na matatawaran ang kakayahan ng mga ito sa TV hosting.

Sey naman ng mga mahadera, tatapatan daw nina Toni, Karla at Mariel sina Regine, Melai at Jolina sa kanilang daily morning show na “Magandang Buhay” na minsang naging tahanan ng ina ni Daniel Padilla.

Kung lifestyle show din daw ang gagawin ng tatlo sa AMBS, may tsansa rin daw na pumatok sila dahil awtoridad na ang mga ito sa usapang nanay. Archie Liao