Tonton, may bilin sa anak sa pagpasok sa showbiz!

Tonton, may bilin sa anak sa pagpasok sa showbiz!

June 24, 2022 @ 7:42 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Obyus na well taken care of ng GMA si Tonton Gutierrez.

Shortly after his stint on False Positive ay sumabak agad ang aktor sa Love You Stranger.

At tulad ng alak, Tonton ages through time.

Sino sa dalawang anak niya kay Glydel Mercado is likely to follow in his footsteps, at ni Glydel na rin?

Tila ang panganay nilang anak na si Aneeza is more likely to become tulad ng kanyang mga magulang.

Nagulat nga ang mag-asawa na kabilang pala si Aneeza sa isang movie with Joaquin Domagoso, gayong napaka-introvert pala nito.

But Aneeza has her both parents’ blessings.

‘Yun nga lang, mahigpit ang bilin ni Tonton kina Aneeza, now in her senior high at Aneeka na 10 years old pa lang.

“Sabi ko sa kanila, basta tapusin lang nila ang kanilang college, bahala na sila to do whatever they want,” direktiba ni Tonton.

Ginamit niyang peg si Janine Gutierrez, anak ni Ramon Christopher na bale kapatid niya sa amang si Eddie Gutierrez.

Nag-artista lang kasi nang todo si Janine nang makatapos ng college.

And look at where she is now!

Kunsabagay, every parent’s dream is to see his child finish school dahil para rin ‘yon sa kanilang kinabukasan. Ronnie Carrasco III