Tony Boy, emosyunal sa dream movie!

Tony Boy, emosyunal sa dream movie!

September 21, 2022 @ 8:00 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Kasado na ang shooting ng first lead role ni Tony Boy dela Rea, ang Paghilom. Ito ay ididirehe ni Danni Ugali under Cine Silang Productions nina Tony Boy and Nenette Dela Rea.

Isa sa mga dream movies ni Tony Boy ang pelikula lalo’t ang tema ay tungkol sa relationship between father and son.

Sobra ngang naging emotional si Tony Boy sa pelikula lalo’t tungkol ito sa pamilya.

“Honestly, naiiyak talaga ako kapag tungkol sa family ang movie lalo na kapag ang tina-tackle, e, ang relasyon ng ama at anak. Malambot kasi ang puso ko at mababaw ang luha ko sa ganu’n.

“Kaya pinaghandaan ko ito kasi gusto ko talagang mag-materialize ang dream project ko,” sabi pa niya.

Hindi na nai-detalye ni Tony Boy kung bakit malapit sa kanyang puso ang ganitong klase ng tema sa pelikula.

Basta’t na pinaghandaan ni Tony Boy ang melo-drama na movie especially at pagsasamahan nila ito ng kanyang longtime friend, ang beauty queen and model na si Jane Umali. Si Jane ang gaganap bilang wife ni Tony Boy sa pelikula na laging inuunawa ang asawa.

Importante ang role na gagampanan ng actor na si Joshua de Guzman bilang anak ni Tony Boy, na nagbalik sa kanya. Ka-love team ni Joshua ang young actress na si Shira Tweg, na isa sa mga bida ng Sugat sa Dugo produced by Bambi Fuentes at Tine Areola.

Excited na si Tony Boy sa movie niya kaya naman sagad ang ginawa niyang preparation sa first shooting day na ginanap sa farm ng family, ang Hacienda Antonio at sa resort na Villa Florencio sa Silang, Cavite.

Lumaki sina Tony Boy at eldest sister na si Nanette sa Silang. Retired school principal ang ina niyang si Florencia Asinas Dela Rea. Isang retired government official naman ng Silang ang kanilang ama, si Antonio Dela Rea. Noel Asinas