Tony Boy, nag-throwback kay Osang!

Tony Boy, nag-throwback kay Osang!

October 9, 2022 @ 10:00 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Isa sa mga pelikulang hindi makalilimutan ng actor/producer na si Tony Boy dela Rea ay ang pelikula ng Seioo Films nu’ng 2009, ang Kirot 2 where he was cast along with Rosanna Roces and Gardo Versoza.

Paano ba naman, pilit na inili-link noon si Tony Boy kay Osang ngunit marami ang hindi nakakaalam na may asawa na pala ito nu’ng time na ‘yun.

Sa interview nga ni Morly Alinio ng DZRH kay Tony Boy ay nag-reminisce siya sa nakaraan nila ni Osang.

“Nu’ng time na ‘yun, ang alam ko, e, asawa ni Osang si Tito (Molina) kaya kahit tinutukso nila ako, e, hindi ko niligawan.

“Saka lagi kong iniisip ‘yung ex girlfriend ko nu’n na hanggang ngayon, e, hindi pa rin ako maka-move on,” sabi pa ni Tony.

Hindi tuloy napigilan ni Tony Boy na mag-throwback pa sa ibang memories nila ni Osang.

Ayon kay Tony Boy, noon panman ay palabiro at pilya na si Osang ngunot magaling makasama sa mga kapwa artosta at sa production crew.

“Si Osang, lagi siyang nagdyo-joko sa set. Lagi soyang naka-smile pero kahot sikat na siya, lahat kinakausap niya. Sobrang galing makasama kaya close sa kanya ang mga artosta at saka ang production crew,” kwento pa ni Tony Boy.

Sa ngayon ay tapos na ang dream movie ni Tony Boy na siya rin ang nag-produce, ang Paghilom directed by Danni Ugali. The movie was shot entirely sa Silang, Cavite, ang hometown ni Tony Boy. Kasama rin niya sa pelikula sina Joshua de Guzman, Jobert Belbis, and former beauty queen Jane Umali.

Ani Tony Boy: “Sobrang na-touch ako sa father and son scene namin ni Joebert. Iniisip ko sa eksena ang ka-close ko na first cousin na soldier din na namatay sa encounter,” sabi pa niya.

Ang Paghilom ay under Cine Silang Productions. JP Ignacio