Tony Labrusca, humarqp sa korte, binasahan ng sakdal!

Tony Labrusca, humarqp sa korte, binasahan ng sakdal!

December 16, 2021 @ 9:02 AM 10 months ago


Makati, Philippines – Humarap na sa korte si Tony Labrusca at handa siyang magpalitis sa bintang na acts of lasciviousness laban sa kanya.

‘Yan ang pinakakahulugan ng “arraignment.” Sa Hollywood movies, ginagawang dramatic ang arraignment sa pamamagitan ng eksenang sasagot ang ina-arraign na “Guilty, Your Honor” o “Not guilty, Your Honor.”

Hindi ibig sabihin ng “arraignment” ay makukulong na ‘yung tao na kinakasuhan. Magtatakda pa lang ang korte ng pagdinig sa kaso.

Sa hearing, hindi kailangang laging dumalo ang pinagbibintangan. May mga hearing na pwedeng ang abugado ang dumalo.

Kahit nakapagpaisyu na ng hold order kay Tony and ‘yung babaeng nagsampa ng kaso ng acts of lasciviousness laban sa aktor, ‘di rin ibig sabihin nu’n ay guilty na siya at makukulong.

Ang ibig sabihin lang ng “hold order” ay ‘di siya makalalabas ng bansa. Pwede siyang pumunta sa Batanes, sa Boracay, o sa Tawi-tawi pero ‘di pwede sa Hong Kong o sa Guam man lang.

Medyo OA o nakaaalarma ang tono ng pagbabalitang na-arraign na si Tony sa Makati Regional Trial Court. Ang nagbalita nito nu’ng Martes (December 14) ay ang negosyanteng si Drake Ibay na pangunahing saksi sa umano’y act of lasciviousness ng aktor sa isang babae na guest sa isang party na idinaos sa bahay niya.

Ang abugado ni Tony ay si Josabeth “Joji” Alonso. Si Alonso ay isa ring film-TV producer. Ang kumpanya n’yang Quantum Productions ay isa sa mga producer ng “Kung Mauay Man It Panahon,” isa sa walong entries sa paparating ng Metro Manila Film Festival. Danny Vibas