Tony, nagalit sa Diyos!

Tony, nagalit sa Diyos!

November 28, 2022 @ 8:32 AM 2 months ago


Manila, Philippines – The loneliest road is often the most gratifying one.

Ito ang eksaktong linya ni Tony Labrusca as he looked back noong panahong nahaharap siya sa kasong acts of lasciviousness noong isang taon.

Hinalay umano ng aktor ang isang bisita sa party somewhere in Makati City.

Nitong April, naklaro na ng korte ang pangalan ni Tony.

Now he can openly talk about the ordeal he had gone through.

Partikular na sinariwa ng aktor sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz ang mga panahong sumisipot siya sa mga hearing ng kaso.

Inihalintulad niya ang kanyang sarili sa isang asong takot na takot sa kidlat.

Grabe raw ang panginginig ng kanyang katawan, na kahit anong pigil ang gawin niya’y hindi umubra.

Bale ba, nanliliit daw siya sa presensya ng mga tao sa courtroom.

After the hearing ay sa CR daw dumidiretso si Tony para umiyak.

Panay raw ang tanong niya kung bakit siya nasangkot sa kasong ibinibintang sa kanya, gayong malinis ang kunsensya niya.

What made matters even worse daw ay ang pamba-bash sa kanya ng tao all over social media.

Tony vowed to himself na may araw din ang mga bashers na ‘yon sa kanya.

In his mind, reresbakan daw niya ang mga ito once he got off the hook.

Nangyari na ngang maabswelto si Tony pero hindi na raw niya binuweltahan ang mga bashers niya.

Dapat daw sana’y isasampal niya ang court decision na pumabor sa kanya.

Nagpapasalamat siya that he didn’t have to stoop down to the level of his bashers.

Pero alam n’yo ba na sa kainitan ng kaso’y nakuha niyang magalit sa Panginoon?

Hindi na dinetalye ni Tony kung anong cuss words ang binitiwan niya for hating God.

Pero pinakamahalagang realization ding matatawag ang malamang it was God who he cursed who got him out of the rut. Ronnie Carrasco III