Top 1 most wanted ng Sta. Rosa, Nueva Ecija arestado

Top 1 most wanted ng Sta. Rosa, Nueva Ecija arestado

August 6, 2020 @ 1:46 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Nueva Ecija – Arestado ang isang 41-anyos na dalagang may patong-patong na asunto sa pagsalakay ng pulisya sa Brgy. Rizal, Santa Rosa ngh lalawigang ito, iniulat kahapon.

Sa report na nakarating kay P/Maj. George Caluad Jr., officer-in-charge ng Sta. Rosa Police Station, kinilala ang suspek na si Maricel Paras, residente ng Brgy. Rizal, Sta Rosa.

Sa imbestigasyon ni P/MSg. Freddie Sevilla, ganap na 7:10 ng gabi nang masakote ang suspek sa bisa ng warrant of arrest sa kasong illegal recruitment.

Nasa P72,000 piyansa ang inirekomenda ng korte para sa pansamantalang paglaya ng suspek.

Kasabay ng paghahain ng warrant laban sa suspek ay isa pang warrant of arrest para sa kasong estafa at illegal recruitment mula sa ibang korte ang inisyu laban kay Paras.

Nabatid na si Paras ay numero-uno sa talaan ng mga most wanted, municipal level ng Sta Rosa Police Station. ELSA NAVALLO


  •  
  •  
  •  

Loading...