Top 1 Most Wanted Person sa Navotas, nabitag

Top 1 Most Wanted Person sa Navotas, nabitag

May 13, 2022 @ 1:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Himas-rehas ngayon ang isang lalaking listed bilang top 1 most wanted person ng Navotas City matapos malambat ng pulisya sa manhunt operation sa lungsod, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong akusado bilang si Romeo Pumarca, 42, laborer at residente ng H-71 Babanse St., Brgy. NBBS Kaunlaran.

Ayon kay Col. Ollaging, si Pumarca ay inaresto ng mga tauhan ng Navotas Police Warrant and Subpoena Section (WSS) at Sub-Statiob 3 sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Ronald Que Torrijos, Presiding Judge ng Regional Trial Court (RTC) Branch 288, Navotas City para sa kasong Murder.

Nauna rito, nakatanggap ang mga tauhan ng WSS ng impormasyon na naispatan si Pumarca sa kanilang lugar na naging dahilan upang agad silang magsagawa ng joint manhunt operation, kasama ang SS3 na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-2:05 ng hapon sa kanilang bahay.

Ani PSSg Renato Panganiban Jr, kasalukuyang nasa kustodiya ng Navotas police ang nadakip na akusado habang hinihingay ang issuance ng commitment order. Boysan Buenaventura