Top 1 MWP ng PRO4A, arestado sa Ilocos Sur

Top 1 MWP ng PRO4A, arestado sa Ilocos Sur

February 21, 2023 @ 1:00 PM 1 month ago


ILOCOS SUR- Swak sa kulungan ang isang 28-anyos na lalaki na umano’y nakalista bilang Top 1 Most Wanted Person (Regional Level) ng PRO4A matapos na maaresto sa Brgy. Quezon District, Santa ng lalawigang ito kahapon ng umaga.

Kinilala ng Santa Municipal Police Station ang naaresto na si Raymar Dameg y Bista, 28, may asawa, residente ng naturang lugar.

Ang akusado ay inaresto ng mga pinagsanib na tracker team ng Santa MPS, ISPIU/ISPDEU, PIT Isur, RIU1, RID PRO1, 1sta at 2nd ISPMFC sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng RTC Branch 76, San Mateo, Rizal na may petsang December 16, 2019 dahil sa kinahaharap nitong kasong rape.

Walang inirekomenda na piyansa para sa akusado. Rolando S. Gamoso