Top 1 MWP sa Cagayan, naaresto sa Maynila

Top 1 MWP sa Cagayan, naaresto sa Maynila

January 17, 2022 @ 1:39 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Arestado sa Maynila ang isang lalaki na wanted sa kasong attempted homicide sa Cagayan.

Ang suspek na si Vincent Labbao, 35 anyos at nakatira sa Sta. Cruz, Maynila ay Top 1 Most Wanted Person sa Sto. Niño.

Ayon sa Pandacan police station, may rekord ang suspek sa Cagayan Police Provincial Office nang pananaksak sa kapwa nito magsasaka habang sila ay nag-iinuman sa  Calamaniugan, Cagayan .

Tumakas ito at nagtago sa Maynila matapos ang insidente saka namasukan sa Pandacan.

Nang makakuha ang impormasyon ang mga awtoridad, natunton ito at agad inaresto. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)