Top 1 wanted person ng Ilocos Sur, arestado

Top 1 wanted person ng Ilocos Sur, arestado

July 15, 2021 @ 8:29 AM 1 year ago


ILOCOS SUR- Shoot sa kulungan ang isang 49-anyos na lalaki matapos arestuhin ng mga otoridad  dahil sa mga patong-patong na kaso na kinahaharap nito sa korte.

Pasado alas onse ng umaga kahapon nang arestuhin sa Brgy. Ronda, Sta. Lucia ng lalawigang ito si Basilio Cudiamat Garbin, 49, may asawa, magsasaka, residente ng naturang lugar.

Si Garbin ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng RTC Branch 8, Candon City, Ilocos Sur na may petsang Hunyo 13, 2021 sa kasong 9 counts of Qualified Sexual Assault; 19 counts ng Qualified Rape; at 2 counts ng Anti-Child Abuse Law.

Ang akusado ay nasa wanted list bilang Top 1 wanted person, provincial level. Rolando S. Gamoso