Top 10 taxpayers, kinilala ng Parañaque LGU

Top 10 taxpayers, kinilala ng Parañaque LGU

February 15, 2023 @ 7:30 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Kinilala ng lokal na pamahalaan ng Parañaque ang sampung top taxpayers na nagbigay ng malaking partisipasyon upang mapasama ang lungsod sa listahan bilang isa sa mga pinakamayaman na siyudad sa bansa.

Sinabi ni Parañaque City Mayor Eric Olivarez na katuwang niya sa awarding ceremony sa programang “Gawad Parangal 2023” sina City Treasurer Dr. Anthony Pulmano at Business Permit and Licensing Office (BPLO) chief Atty. Melanie Soriano-Malaya.

Sampung korporasyon at limang proprietors ang kinilala bilang mga top taxpayers gayundin ang 10 malalaking real estate taxpayers ay pinagkalooban din ng rekognisyon ng lokal na pamahalaan.

Bukod pa sa mga korporasyon, proprietors at real estate taxpayers ay pinahalagahan din ng lokal na pamahalaan ang 10 outstanding Parañaqueños na nakapag-alay ng malaking kontribusyon sa pag-unlad ng lungsod sa pamamagitan ng kanilang pagbibigay serbisyo sa publiko.

Idinagdg pa ni Olivarez na ang kontribusyon na ibinayad ng mga taxpayers ay gagamitin ng lokal na pamahalaan sa iba’t-ibang proyekto na nakadisenyo para gawing mas progresibo pa ang lungsod na lubos na makatutulong sa mga Parañaqueños.

Ginanap ang naturang awarding ceremony sa East Ocean Palace na matatagpuan sa Aseana Business Park na may kaugnayan pa rin sa selebrasyon ng ika-25 cityhood anniversary ng lungsod. James I. Catapusan