Top 2 most wanted person sa regional level, tiklo sa manhunt

Top 2 most wanted person sa regional level, tiklo sa manhunt

November 11, 2022 @ 2:15 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Kulungan ang hinantungan ng isang lalaki makaraang masakote ito sa ikinasang Manhunt Charlie Operation sa Barangay Dau, Mabalacat City, Pampanga nitong Huwebes, Nobyembre 10, 2022.

Sa ulat ng pulisya, kinilala ang arestadong suspek na si Cris De Vera y Barcelona, 21, binata, residente ng Barangay Pinanggaan, Jaen, Nueva Ecija.

Ayon sa report, ganap na 5:00 ng hapon ng arestuhin ang suspek nang tracker team ng Quezon Municipal Police Station (led unit) sa pamumuno ni P/Major Angelito A. Manalastas, hepe ng pulisya, katuwang ang ilang personnel ng Provincial Intelligence Team (PIT) Nueva Ecija; Regional Intelligence Unit 3 (RIU3); Jaen Municipal Police Station; Mabalacat City Police Station at 302nd RMFB3 Polar Base.

Hindi na nagawa pang pumalag ng suspek matapos ihain dito ang Warrant of Arrest para sa kasong rape by sexual assault sa ilalim ng Article 266-A ng RPC na may piyansang Php 200,000.00
at Warrant of Arrest para sa (2) counts ng Rape na may Criminal Cases Number 7052- 2022-SJC at 7053-2022-SJC na inisyu noong February 10, 2022 sa Regional Trial Court (RTC) Branch 39, San Jose City, Nueva Ecija at walang piyansa.

Napag-alaman din na ang suspek ay nasa talaan ng mga most wanted person at ito ay nasa Top 2 Regional Level sa bayan ng Quezon, Nueva Ecija.

Pansamantala ang suspek ay nasa kustodiya ng Quezon Municipal Police Station. Elsa Navallo