Top 2 MWP ng Ilocos Sur, arestado!

Top 2 MWP ng Ilocos Sur, arestado!

August 31, 2022 @ 12:34 PM 1 month ago


ILOCOS SUR- Swak sa kulungan ang isang 35-anyos na lalaki matapos maaresto sa Brgy. Marcos District, Santa ng lalawigang ito kahapon ng umaga.

Kinilala ang naaresto na si Christopher Viloria y Baldiviano, 35, may asawa, residente ng Brgy. Solot-Solot , San Juan, Ilocos Sur.

Si Viloria ay inaresto ng mga pinagsanib na puwersa ng Santa Municipal Police Station (lead unit), ISPIU, ISPDEU, Narvacan Municipal Police Station, San Juan Municipal Police Station, 2nd ISPMFC at PIT Ilocos Sur sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Presiding Judge ng Family Court, First Judicial Region, Branch 9, Narvacan, Ilocos Sur na may petsang May 24, 2022 dahil sa kinahahaharap nitong kasong Rape (2 counts) under paragraph I (A) Art 266-A of RPC as amended by RA 8353, na walang piyansa.

Nakalista bilang wanted person, top 2, provincial level ang akusado. Rolando Gamoso