Top 2 MWP ng Tanay, tulak ng ‘tobatski’ nalambat ng mga parak sa SJDM

Top 2 MWP ng Tanay, tulak ng ‘tobatski’ nalambat ng mga parak sa SJDM

August 11, 2022 @ 4:26 PM 2 months ago


Bulacan- Arestado ang Top 2 Most Wanted Person sa Tanay Rizal police, Municipal Level (August 2022) nang silbihan ng warrant of arrest ng mga awtoridad sa San Jose Del Monte (SJDM).

Kinilala ni SJDM Acting chief of police PLTCOL Cresenciano Cordero Jr, ang wanted na si Jesser Rino, 32, may-asawa, residente ng Brgy. San Rafael 1.

Sa report, naaresto si Rino bandang 4:06 ng hapon nitong Agosto 10, ng pinagsanib na puwersa ng SJDM police, 24th SAC, 2SAB, PNP-SAF, 2nd PMFC Bulacan 301st MC RMFB 3, 3rd SOU Maritime Group at PHPT Bulacan sa bisa ng warrant of arrest sa 2 counts of Violation of Sec. 5 ng R.A 7610 in rel. to Sec. 5(i) ng R.A 8369 na may P200,000 inirekomendang piyansa bawat kaso, noong Hunyo 9, 2022 na inisyu ni Judge Mary Joyce Alvaran Masangkay-Tresvalles ng RTC Branch 158, Morong, Rizal.

Huli rin bandang alas-5:20 ng hapon sa buy-bust operation ng mga awtoridad sa kaparehong petsa ang pinaghihinalaang tulak na si Dautrey Velarde, 29, binata (Illegal Drugs Personality Unified PNP/PDEA) watchlisted, residente ng Brgy. San Manuel.

Sa report ni Cordero, katuwang nila ang SOU 3 at PDEG na nakasamsam sa operasyon ng pitong sachets na pinaghihinalaang shabu kabilang ang buy-bust item na tumimbang ng isang gramo, dalawang sachet na pinaghihinalaang marijuana, glass pipe na may residue ng umanoy marijuana at buy-bust money.

Nahaharap sa kaukulang kaso ang suspek habang nakakulong sa naturang istasyon. Dick Mirasol