Top 4 MWP sa Misamis sa kasong murder, rapist nadakma sa Bulacan

Top 4 MWP sa Misamis sa kasong murder, rapist nadakma sa Bulacan

February 4, 2023 @ 1:48 PM 2 months ago


Bulacan – Arestado ang 50-anyos na lalaking wanted sa kasong murder (2 counts) sa isang probinsya sa ikinasang operasyon ng pulisya sa lungsod ng Meycauayan.

Kinilala ni Bulacan Police director P/Col. Relly Arnedo ang naarestong si Rene Guillena, bilang Top 4 Most Wanted Person (MWP)- Municipal Level ng Sapang Dalaga, Misamis Occidental.

Sinasabing naaresto si Guillena ng Meycauayan police kasama ang Sapang Dalaga Police sa Brgy. Pajo, Meycauayan City sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng RTC Branch 36, Calamba, Misamis Occidental na walang inirekomendang piyansa,

Nahuli rin ng mga awtoridad ang wanted na si Joel Perez, 29, helper, binata ng Brgy. Alagao, San Ildefonso bandang alas-3 ng hapon nitong Pebrero 3 sa bisa ng warrant of arrest sa kasong rape na inisyu ni Hon. Ma. Cristina Laderas, Presiding Judge, Regional Trial Court, Branch 85, Malolos City noong December 20, 2022 at walang inirekomendang piyansa. Dick Mirasol III