Top 4 MWP sa Region 3, nalambat sa Pangasinan

Top 4 MWP sa Region 3, nalambat sa Pangasinan

January 8, 2023 @ 4:54 PM 4 weeks ago


San Jose Del Monte (SJDM), Bulacan – Arestado ang Top 4 Most Wanted Person sa Central Luzon sa ikinasang manhunt operation ng mga awtoridad sa lalawigan ng Pangasinan.

Kinilala ni Bulacan Police director PCol. Relly Arnedo ang akusadong si Jan Carlo Guevara, residente Marcela 5, Brgy. San Manuel.

Sa report, naaresto si Guevara bandang 8:30 ng umaga nitong Enero 8, sa Brgy. Warey, Malasiqui, Pangasinan ng pinagsamang puwersa ng SJDM police, RIU-3, Bulacan Intelligence Unit at Malasiqui police sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Statutory Rape na inisyu ng Regional Trial Court Branch 5FC, SJDM na walang piyansa.

Nakatakdang ikulong ang akusado sa SJDM police custodial facilities na dumaan sa kaukulang dokumentasyon ng awtoridad mula sa Pangasinan. Dick Mirasol III