Top 5 most wanted ng Malabon, nabitag ng NPD

Top 5 most wanted ng Malabon, nabitag ng NPD

October 9, 2022 @ 11:20 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nalambat ng mga operatiba ng District Intelligence Division ng Northern Police District (DID-NPD) ang top 5 most wanted person ng Malabon City sa isinagawang manhunt operation in relation to SAFE NCRPO sa naturang lungsod.

Pinuri ni NPD Acting Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones ang DID sa pamumuno ni P/Col. Allan Umipig sa matagumpay na operation kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakaaresto kay Janphil Cabadsan, 24 ng Brgy. Tonsuya, Malabon City.

Nauna rito, nakatanggap ng impormasyon ang DID na naispatan ang akusado sa kanilang lugar kaya nagsagawa sila ng validation at nang positibo ang ulat ay agad nagsagawa ng manhunt operation ang mga ito na nagresulta sa pagkakaaresto kay Cabadsan dakong alas-8:45 ng gabi.

Ang akusado ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Rhoda Magdalene Mapile-Osina ng Regional Trial Court (RTC) Branch 289, Malabon City para sa kasong R.A 8353-Anti-Rape Law of 1997 (2counts) at Grave Threats. Boysan Buenaventura