Top 5 most wanted, timbog sa manhunt operation sa Sta. Ana Manila

Top 5 most wanted, timbog sa manhunt operation sa Sta. Ana Manila

July 31, 2018 @ 10:38 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Timbog ang Top 5 most wanted person sa Sta.Ana, Maynila sa ikinasang manhunt police operation kaninang madaling araw (July 31).

Kulong ang suspek na nakilalang si DJ Dacuycuy alyas ‘Jennifer’, 25-anyos, walang asawa at trabaho, residente Sta.Ana, Maynila.

Si Dacuycuy ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Hon. Judge Manuel Sese, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 134 ng Makati City dahil sa kasong robbery.

Ayon sa ulat bi P/Supt. Albert Barot, hepe ng Sta. Ana sakop ng PS 6 ng MPD, nakatanggap ng tawag ang kanyang tauhan mula sa  Barangay Information Network (BIN) na naispatan ang suspek sa kahabaan ng Oro B St. sa nasabing lugar.

Agad naman ikinasa ang manhunt operation na ikinaaresto ng suspek.(JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN)