Top 5 MWP, arestado sa Peñaranda, Nueva Ecija

Top 5 MWP, arestado sa Peñaranda, Nueva Ecija

January 24, 2023 @ 3:34 PM 4 days ago


MANILA, Philippines- Rehas na bakal ang hinantungan ng isang 42-anyos na lalaki makaraang magdesisyon at magpalabas ng warrant ang hukuman kamakailan, dito sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Sa ulat ni P/Major Roderick N. Corpuz, hepe ng Peñaranda police station, kay Nueva Ecija director, P/Col. Richard Caballero, kinilala ang arestadong suspek na si Donato Florentino y Jimenez, binata, magsasaka, residente ng Barangay San Mariano, Peñaranda, Nueva Ecija.

Sa report ng pulisya, ganap na alas-9:30 ng umaga nang tuluyang maaresto ang umano’y suspek sa ikinasang operasyon ng pinagsanib na operatiba ng Peñaranda Police Station katuwang ang 303rd Maneuver Company; Regional Mobile Force Batallion 3 (RMFB3); 4th Maneuver Platoon; 1st Provincial Mobile Force Company, Nueva Ecija Police Provincial Office (PMFC -NEPPO) at Jaen Municipal Police Station, sa nasabing barangay.

Si Florentino ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest para sa diumano’y paglabag sa Republic Act 10591 (“Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”) at may piyansa na halagang P200,000, na inisyu ng korte noong December 2, 2022 sa Branch 87, Gapan City, Nueva Ecija.

Dagdag pa rito ay napag-alaman din na ang suspek ay nakatala sa nabanggit na himpilan ng pulisya bilang Top 5 Most Wanted sa bayan ng Peñaranda, Nueva Ecija.

Pansamantala ang suspek ay nasa kustodiya ng Peñaranda MPS male custodial facility. Elsa Navallo